Isa akong dakilang stalker.

Pramis. Hindi ako nagbibiro. HAHAHAHA :)) Oo, isa akong dakilang stalker. Subalit ngayong taon lang akong naging stalker.

Noon, kapag may nagagwapuhan ako sa school, tinitingnan ko lang ang mukha niya tapos binubulungan ko si Charie/Sam na “Uy, may gwapo blablabla.” Tapos, THE END. Wala na. 

Pero ngayon, nag evolve na ata ako. Lol. Kapag may nakikita akong gwapo, tinatandaan ko ang mukha niya at kinagabihan, hahanapin ko siya sa Facebook. Pero hindi ko ina-add siyempre (nakakahiya kaya lol). Nakagawian ko nang mag stalk, at para sa akin, hindi naman masama yan as long as wala akong pagnanasa o masamang balak sa isang tao. Lels. So shall we say na “curiosity” lang ito? Hehe :)

May talent ako sa pag stalk. Believe it or not, kapag naghahanap ako ng profile ng gwapong namataan ko, hindi lalagpas sa lima ang pag click ko sa mouse at mahahanap ko na kaagad ang profile nila. HAHAHA :)) Matalas kasi ang mga mata ko at nalalaman ko na kaagad na sila ang nasa profile picture, kahit thumbnail lang ang size.

Problema lang kapag hindi mukha ng gwapo ang profile pic niya. Pero kadalasan, ang mukha talaga ng mga hinahanap ko ang nasa prof pic nila. I mean, sino ba ang mahihiya sa mukha nila as prof pic, lalong lalo na kapag sila ay gwapo? HAHAHA.

Tapos na akong mag-aral sa English at Math A :))

Yan lang ang subjects namin bukas sa quarter exam. Yay! :D

Hindi ako nag-aral, actually. It’s more of a “review” kasi wala naman akong ginawa kundi magbasa lol. Tapos wala akong notes kasi hindi ako kumokopya sa blackboard (unless sa tingin ko ay hindi ko matatandaan ang lesson). So yun, tapos na ako at ready na ako bukas. HAHAHAHAHAHAHA k. Tapos bukas…. tssk! Ang hirap! D:

Mag-aaral na sana ako ng World History kaso naalala ko bigla ang performance task namin sa Math A. So yun, ginawa ko ang computations ng surface areas ng mga buildings na gagawin namin. Masaya ako kasi natapos na ako, tapos naalala ko na hindi pa pala ako tapos kasi may volumes pa. Shet buhay. Gusto ko nang mag-aral ng World Hist kasi ito ang may pinakamahabang coverage T_T

And meet Jericko Chi the bold star. AHAHAHAHAHA jk. Ex-classmate ko yan at kaibigan din. Matalino yan, pero mas magiging matalino yan kapag mag-aaral yan. Kaso hindi siya nag-aaral eh. LOL. Kanina yan sa 2nd floor lobby, habang naglaline kami para malaman ang expected grade namin sa Math B. Ohai T. Cherry :D

Tapos kanina habang sumasakay ako ng motor pauwi, nakita ko ang truck na ito na may 3T na pangalan ng mahal kong section. Hihi *u* kaya ayun, picture.

Low koalatee I know. Cellphone lang yan. 

Maridaniella