Ako nalang siguro ang taong hindi pa nakapaglalaro ng Tetris sa FB.
Ang loser ko, hahahaha. Hindi naman kasi ako naglalaro ng kahit anong laro sa FB. Oo, noon naglalaro ako. Nung newbie pa ako sa FB, 2 or 3 years ago yun, Pet Society lang ang mundo ko sa Facebook. LOL. Araw-araw, ginagamit ko ang 1 hour ko sa paglalaro ng Pet Soc. Oo, 1 hour lang, dahil sa rules. Noon, 1 hour lang binibigay sa amin (ng ate ko) araw-araw para sa Internet. Rules yun ng kuya ko. Ang unfair, dahil 1 hour lang kami nakakagamit ng computer, habang siya naman ay naglalaro ng pesteng Travian all the time. Ewan ko bakit sumunod ako dun. Ang uto-uto ko talaga. Hmp. Share, lol.
Anyway, excited na ako sa Biyernes. Yan ang araw kung kailan pupunta sa bahay namin ang mga kaibigan ng parents ko. Pupunta rin dito ang mga anak nila, syempre. Makikita ko na ang mga kababata ko. HAHAHA! :) Nakikita ko rin naman sila once in a while. Childhood bestfriends ko, ika nga. Sila ay sina Benjo, RR, Yani, Paulo (o Paolo?) at iba pa. Actually hindi ko talaga close ang iba, pero kaibigan na rin dahil kaibigan ko sila noon. Alam kong ibang iba na ang mga mukha nila. Last time na nag-usap kami ng mga kababata ko, 6 o 7 years na ata yun. Hehehe. :) At ngayon, matured na sila. Ako nga pala ang pinakabata sa ~*barkada*~ namin. Except pala kay Yani. Mas bata pa yun. Pero yung iba, nasa college na.
Tapos na rin pala ako sa ‘The Battle of the Labyrinth’! :)) Awesome pa rin, as usual. Naiinis ako kay Annabeth nang kaunti, dahil may feelings pa rin siya kay Luke. Tengene! At si Nico di Angelo, naaawa ako sa kanya. Mahal na mahal niya kasi ang kapatid niya. :’( Mamaya (o bukas) ay babasahin ko na ang huling libro ng series, ang “The Last Olympian”! :D Woot woot \m/ Title pa lang, kinikilabutan na ako. Mamamatay ba ang mga gods? Sino ang last Olympian? O_O Gaaaah, excited na ako. Pero kailangan ko munang magpahinga. Wala na akong nagagawang productive sa bahay dahil sa kakabasa. Heh.
Malapit na ang 2012. Woot woot! :3

