This happened last Friday night. :) Ngayon ko lang ikwekwento kasi tinamad akong magkwento the past few days. At tsaka umaga ngayon, at wala masyadong online :bd I don’t know, pero minsan mas gusto kong mag blog kapag konti lang ang online. HAHAHA :)
Last Friday, ang saya saya ko. Nagkaron kasi kami ng mini competition sa Templars. Every Friday kasi ang meeting namin. 3:40 ang dismissal namin at 4:30-5 naman nagsisimula ang meeting.
Anyway, nagkaron nga kami ng mini competition. Pabilisan ng pagsagot ng mga tanong na yung pyramidic type. Ang pyramidic question ay tanong na hindi nasasagot unless natapos na talagang basahin ang last word ng question. But syempre, masasagot ito kahit hindi pa ito tapos basahin kapag may ~*deep knowledge*~ ka raw. So sa pyramidic question, the 1st parts of the question sounds like shit and out of the world. Napapa “What the hell is that?!” ka subalit nagiging clearer na ang tanong habang tumatagal. Basta, yun na yun!
So ayun nga. Diniscuss sa amin kung ano ang pyramidic question and some nerd talk. Pagkatapos nun ay nagkaron na kami ng biglaang contest. One-to-one. 10 kami nun, so 5 pairs ang maglalaban. Those 5 pairs are:
- James (3rd yr) vs JD (4th yr)
- Me (3rd yr) vs Ate Xyryl (4th yr)
- Jay-r (3rd yr) vs Ate Sheryl (4th yr)
- Jadon (3rd yr) vs Ate Tzen (4th yr)
- Keith (4th yr) vs GRAND Michael (4th yr)
Naging kalaban ko nga si Ate Xyryl. Natakot ako sa kanya kasi alam kong napakatalino niya. Tapos book lover pa. :D Pero she looks mabait naman :)
Kinabahan ako kasi kami pa ni Ate Xyryl ang unang sinabak sa gyera (AY? Gyera talaga? lol). 15 questions ang itatanong sa amin, at pabilisan kami sa pagsagot. Tumayo kami sa opposites end ng table at may nakadrawing na circle sa gitna. Paunahan kami sa pagpindot nun. Lels, parang Wowowee lang kasi ilalagay ang kamay sa dibdib.
Nakakatakot talaga tumayo sa harap ng mga kapwa kong ka-Templars. Everytime nagtatanong na si Sir Carlo, the audience was going like mad! Nakaka pressure! Nagwa-wild sila kasi alam nila ang sagot at kami naman ni Ate Xyryl were like “How come you know and we don’t?!” Nakakainis lang talaga. Pressured ako pero masarap din pala ang feeling kapag napepressure. Lels. :D
So natapos na nga ang labanan namin. The next pair comes in, then next, and so on and so forth. Narealize ko na ibang iba ang maging audience sa maging contestant. Kapag audience ka at pinapanood mo ang ibang contestants na naglalaban, naiinis ka kasi ang tagal nilang makasagot samantalang napakadali ng tanong. Subalit kapag contestant ka naman, hindi mo alam ang sagot kasi nakaka pressure masyado at namemental block ka.
Basta, ang saya lang talaga. Nag enjoy ako at marami akong natutunan. Ang saya kapag sumisigaw ako ng “Hoy! Ang dali lang yan shet!” .. Ang saya rin kapag tumatawa kaming lahat kapag nakakatawa ang sagot ng mga contestants. lol.
Ang galing ng mga boys, as in. Ang bilis bilis nilang makasagot habang kami namang mga babae ay kailangan pang patapusin ang question para makasagot. Ang galing talaga nila, they were very competitive. Ang saya nilang tingnan kasi hinding hindi sila papayag na matalo sila lol.
7:30 na ako nakaalis sa school. :) At ito pala ang results:
- James vs JD ; Champion: James
- Me vs Ate Xyryl ; Champion: Me
- Jay-r vs Ate Sheryl ; Champion: Jay-r
- Jadon vs Ate Tzen ; Champion: Jadon
- Keith vs GRAND Michael ; Champion: GRAND Michael
This is in preparation for our competition this coming October 21 (my birthday!). Inter-Templars lang naman. Lels. :) At magbebet kami ng 100php at mapupunta ang lahat sa winner. They were like 14-17 of us (kasi yung iba absent nung Friday) and imagine being winner. Yayaman ka na! LOL. Alam kong hindi ako mananalo sa Oct 21 pero gagalingan ko. Nakakainis isipin na mawawalan ako ng 100 sa mismong birthday ko pa.
Good morning! :D