Matagal ko nang gustong ipost ang ganitong post pero hindi ko magawa kasi hindi ko rin alam kung paano ko isusulat ang nararamdan ko. Pero sige lang, itatry kong isulat ang nararamdan ko rito at sana magets nyo. Hehe.
Ayoko na ng spotlight. Meaning, ayoko na sa mundo ko noon — ang mundo ko sa Tumblr noon kung saan ang lahat ay nagsta-strive hard para maging famous.
Hindi ko sinabi na kabilang ako sa mga “famous,” pero ang masasabi ko lang ay nabilang ako sa buhay ng halos lahat ng famous at potential famous noon sa previous account ko.
And everytime napapadpad ako sa mga blogs na finofollow ko noon sa previous account ko na hindi ko na finofollow ngayon, nakikita ko na ang mga blogs na ito ay mga “sikat” na. Marami na silang mambabasa, at marami na rin ang tumitingala sa kanila. Marami na rin silang mga kaibigan famous, chuchu. Sila ang mga bloggers na noon sa panahon ko ay hindi pa famous, tapos ngayon ay matatawag ko nang “famous.”
Ayokong i-elaborate kung ano ang isang famous sa akin kasi nakakaumay. Basta, sila ay ang mga bloggers na may maraming chismosang madla na nakikiusyoso.
Everytime bumibisita ako sa mga blogs ng mga famous na ngayon (na hindi pa famous noon), nakakaramdam ako ng awa. Para bang sinasabi ng utak ko na
Hindi ba kayo napapagod sa mga taong nakikichismis sa buhay ninyo? Sa mga haters? Sa walang hanggang intriga?
Hindi ako nagmamayabang, pero naranasan ko na ang nararanasan nila ngayon. Noon, sa tuwing nagpopost ako, sandamakmak ang mga likes at comments at lahat (pero hindi kasing dami sa mga super super famous). Marami akong naging followers at marami akong nakausap. Marami akong naging kaibigan (though konti lang sa kanila ang matatawag na “tunay na kaibigan”). Naging mas makulay ang mundo ko at hindi nagiging boring. Para bang celebrity ako at lahat ay napupuna. Inuulit ko, hindi ako “famous” noon, siguro malapit na. Ahh basta. Wag manghusga. Intindihin nyo nalang ang gusto kong ipahiwatig.
Pero sa huli, narealize ko na hindi ko gusto ang buhay ko. Oo, masaya, pero may kulang. Hindi ko alam kung ano ‘yon, pero sa huli ay nalaman ko rin. Ang kulang sa buhay ko noon ay katahimikan. Katahimikan mula sa mga mapanlait na haters, sa mga taong nagtatanong kung paano ayusin ang theme at hindi man lang magawang mag search sa Google, katahimikan mula sa mga kaklaseng nanghuhusga at nanunukso dahil sa mga posts mo.
Ayoko na talaga ang buhay ko noon, at sa tuwing naalala ko ang magulo kong buhay Tumblr noon, nadidisappoint ako. Never akong nag hope na maging famous, pero lahat ng mga involved sa buhay Tumblr ko ay gustong maging famous. It was an unspoken fight. Or ano ba. (Ang hirap i-explain)
Ngayon, masaya na ako sa buhay ko. Na realize ko na hindi rin pala mahirap mag deactivate, kasi sa huli, nalalaman mo na walang mararating ang blogger na nagba-blog para lang sa followers. Marami kang followers, e ano ngayon? Masaya ka ba? Siguro oo, pero tahimik ba ang buhay mo? Malaya ka bang nakakagalaw sa Tumblr? Naiintindihan ka ba ng mga followers mo? Hindi ko sinasabi na tahimik na ang buhay ko ngayon sa bagong account na ito, pero kung ikukumpara ko ito sa buhay Tumblr ko noon, naku. Napakalaki ang pinagkaiba. Kuntento na rin ako sa buhay ko, kahit hindi tahimik completely. At least mas maayos.
Ang gulo ng post na ito. Basta, naaawa lang ako sa mga taong trying hard masyado para makuha ang spotlight. Kung ako sa inyo, titigilan ko na yan kasi magsisisi lang ako sa huli.
Okay lang sa akin kung walang tao ang nagdare na magbasa nito. Napakahabang post, at parang nobela. Sino ba ang sisipagin jang magbasa? Wala, kundi ako lang. K whatever. Kaya nga ngayon ko to ipapublish kasi walang masyadong online. Aanhin ang mahabang post na ipapublish sa oras na may maraming online kung wala namang magbabasa nito? Ang importante, nalabas at naisulat ko ang gusto kong sabihin noon pa, kahit na napakagulo masyado at mahirap intindihin.