Isa akong dakilang stalker.
Pramis. Hindi ako nagbibiro. HAHAHAHA :)) Oo, isa akong dakilang stalker. Subalit ngayong taon lang akong naging stalker.
Noon, kapag may nagagwapuhan ako sa school, tinitingnan ko lang ang mukha niya tapos binubulungan ko si Charie/Sam na “Uy, may gwapo blablabla.” Tapos, THE END. Wala na.
Pero ngayon, nag evolve na ata ako. Lol. Kapag may nakikita akong gwapo, tinatandaan ko ang mukha niya at kinagabihan, hahanapin ko siya sa Facebook. Pero hindi ko ina-add siyempre (nakakahiya kaya lol). Nakagawian ko nang mag stalk, at para sa akin, hindi naman masama yan as long as wala akong pagnanasa o masamang balak sa isang tao. Lels. So shall we say na “curiosity” lang ito? Hehe :)
May talent ako sa pag stalk. Believe it or not, kapag naghahanap ako ng profile ng gwapong namataan ko, hindi lalagpas sa lima ang pag click ko sa mouse at mahahanap ko na kaagad ang profile nila. HAHAHA :)) Matalas kasi ang mga mata ko at nalalaman ko na kaagad na sila ang nasa profile picture, kahit thumbnail lang ang size.
Problema lang kapag hindi mukha ng gwapo ang profile pic niya. Pero kadalasan, ang mukha talaga ng mga hinahanap ko ang nasa prof pic nila. I mean, sino ba ang mahihiya sa mukha nila as prof pic, lalong lalo na kapag sila ay gwapo? HAHAHA.
