RF: I don’t like clingy people.
I don’t like people who always touch my hand, who always approach me to hug me, or people who are so touchy.
Wag niyo sanang masamain ito. Of course I hug people naman everyday. Hina-hug ko everyday ang mga kaibigan ko, pero once in a while lang naman. I am not the kind of person na gustong humawak ng mga katawan ng ibang tao. Hindi lang talaga ako ganyan. Hehe :)
There is this one friend na napaka touchy. I mean, nilalapitan niya ako palagi para lang mag hug. I know there’s nothing wrong with hugging. But imagine this. EVERYTIME NATATAPOS ANG ISANG SUBJECT AT HABANG HINIHINTAY MO ANG NEXT TEACHER, LALAPIT SIYA SAYO AT MAGHA HUG. YES. EVERY SINGLE TIME. And mind you, hindi siya ordinaryong hug. This hug lasts for like 5 minutes! WTF!
Sa totoo lang, naiirita na ako sa classmate kong ito. Hindi ko lang talaga siya kayang prangkahin because this girl’s very sensitive. Tapos may mapait din siyang past, kaya ayoko siyang masaktan. Tinitiis nalang namin ni Charie ang walang hanggang pagyakap niya (kasi kaming dalawa ang matatawag niyang kaibigan sa classroom).
Hindi ko siya bestfriend, friend lang talaga. At kung bestfriend ko man ang magha-hug sa akin nang ganoon katagal, talagang magagalit ako at ipapalayo ko siya.
Nakakainis lang kasi palagi siyang nagha-hug, at boring na at nakakaumay na. Tapos kapag magha-hug siya, 5 minutes pa. I mean, everytime we hug, sinasabi ko sa sarili ko na “Are we supposed to.. uhmm.. stay like this forever?!” Hahays.
She’s not a bad friend. Yes, mabait naman siya. She’s too clingy lang talaga.
But oh well, ayokong siyang saktan. Maybe hihintayin ko nalang ang right time kung kailan ko siya paprangkahin. Not now, not now. Guess I need to suffer it for the next months.
