mahirap kapag hindi kayo classmates :|
…ng bestfriend mo.

translation:
SAM: SO GUSTO MO NA HINTAYIN KITA FOR ONE HOUR? OKAY. ANG COOL. TATANGA AKO FOR ONE HOUR. ANG SAYA NOH?
ME: ANONG GUSTO MO? MAGKA-CUT CLASS AKO?
yan. nagkaroon kami ng konting pag-aaway ng bestfriend ko. we were supposed to have our photos taken for ID together, eh kaso nauna na ako kasi hindi ko siya mahanap kanina. ayan, nagalit siya.
yan ang problema kapag hindi kami classmates. lalong lalo na at general section siya, at honor section ako. ang hirap talaga. mas maaga silang dinidismiss ng isang oras sa amin. nagi-guilty nga ako kasi palagi siyang naghihintay sa paglabas ko sa kwarto kasi sabay kaming umuuwi.
hindi ko naiiintindihan kung bakit nag-aaway kami. hindi niya kasi makuha ang point ko eh, o siguro sadyang OA lang siya talaga. ugh. sabi ko, sasamahan ko pa rin siya sa pagkuha ng ID. tapos yan ang sinagot niya, na maghihintay pa ba raw siya ng isang oras. hindi raw kasi ako tumupad sa usapan, na dapat sabay kami.
lolwhut? anong pinagkaiba sa pagsabay naming magpakuha ng ID at sa pagsama ko sa kanya na kumuha ng sariling ID? pareho rin naman na maghihintay siya, kasi hindi nag-iiba ang sched ko. ugh.
i hope malilipat na siya sa honor sec soon. jan din kasi siya galing eh :(
