Confirmed: Makapal ang mukha ko.
Nakaipon ako ng up to 40 pesos today dahil libre ang pamasahe ko papunta sa school at pabalik sa bahay. Alam ninyo kung bakit? Hindi kasi jeep ang sinakyan ko sa pagpunta sa school at iba ang nagbayad nung pauwi na ako.
Kaninang umaga, sumakay ako ng jeep. Maganda na sana ang simula ng araw ko, nang biglang nagka-aberya ang jeep. Wala kaming nagawa kaya bumaba nalang kaming mga pasahero. “Putrages!” Sabi ko sa sarili ko. Malelate na ako. Hindi pwede to! May warning na ako dahil na late na ako once ngayong quarter at kung male-late pa ako, 1 hour jug na! Ayoko! Nag panic ako. May dumadaan na mga jeep kaso puro puno naman. Naiinis na ako.
Tapos dumaan bigla ang kotse ng kaklase kong si Edrei. Hindi na ako nag-isip. Pinara ko ang sasakyan nila! HAHAHAHAHA ANG KAPAL NG MUKHA KO SHET! Thank goodness, nakita nila ako at tumigil naman ang sasakyan. Pumasok ako sa loob and Edrei’s family was there — ang papa niya, ang mom niya (na coach namin sa math kaya hindi ako uncomfortable), ang ate niya (na teacher din sa school), at si Edrei. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nahiya. XD Komportableng komportable ako habang nasa loob ng sasakyan hanggang sa pagbaba namin sa school. Nagpasalamat ako sa kanila and I was like “Yes! Hindi ako nakagastos ng 14 pesos!” HAHAHAHAHA.
At kanina, nung sumakay na ako ng jeep pauwi sa bahay, nakasabay ko ang isang couple na kapitbahay namin. Nahiya ako. I mean, ayaw ko talagang may nakakasabay na kapitbahay dahil awkward, hehe. At magkasintahan pa sila, and I tried my best na hindi tumingin sa kanila kasi baka mailang sila. LOL.
Anyway, kumuha na ako ng pamasahe ko at iaabot ko na sana yun sa kundoktor ng jeep, nang bigla akong sinabihan ng lalake na kapitbahay namin na wag na raw akong magbayad dahil binayaran na nila ako. Nakakahiya. Ayokong may nagbabayad para sa akin. Tsk.
So ayun. Makapal ang mukha ko. Malakas kasi ang impact ko sa mga tao sa paligid ko. LOLWHUT? Syempre joke lang yan. Pero everytime na may nakakasabay akong kakilala, sila ang nagbabayad para sa akin, kahit hindi naman kami close. LOL.
