It’s funny kapag narerealize mo na marami na ang nagbago.
It’s funny to think na noon, pinipilit ko ang sarili ko na wag maging sabaw at dapat may mapost na maganda, para lang sa mga minamahal kong followers. Pero ngayon, nagpopost ako kung kailan may maisip akong mapost. Lels.
Wala lang. Narealize ko lang na nagbago na talaga ako nang bonggang bongga pagdating sa buhay ko rito sa Tumblr. Hindi na ako yung taong active at palaging nakikichika sa mga pangyayari sa Tumblr. Hindi na rin ako yung taong nagfofollow ng mga tao dahil famous sila. Hindi na rin ako yung tao na nagiging OA dahil sa tuwa kapag finollow ng dream follower.
Napansin ko rin na nagbago na rin ang pananaw ko sa Tumblr. Hindi na ito ang website na tinuturing kong buhay noon. Ngayon, ito ay isang website na lamang na nakakapagsaya sa akin nang panandalian. Nawala na ang adiksyon ko rito, at maganda naman ang naging resulta. Mas nagkaroon ako ng oras para sa mga kaibigan, pamilya, at pag-aaral ko. Masayang masaya ako sa buhay ko. Mas malaki ang kasiyahan ko ngayong simple lang ang buhay ko kesa sa kasiyahan ko noong may libo-libo akong followers.
This topic may be boring to you kasi may post ako na similar nito. Pasensya na kung paulit-ulit ang post ko, eh kasi naman hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Lels. Palagi ko kasing iniisip ang buhay ko noon at ngayon.
Kaya sa mga blogger na adik na adik jan, hinay-hinay lang po. Try nyong umalis sa upuan ninyo at gumawa ng mag produktibong bagay. Siguradong sigurado na kapag ginawa niyo ang sinabi ko, marerealize ninyo kung gano kalawak ang buhay ninyo. Malalaman ninyo na hindi lamang sa Tumblr umiikot ang mundo ninyo.
Magandang hapon. :)) Kalahati pa lamang ang napag-aralan ko sa World History. Tapos na ako sa Chemistry. Kaya ko to, woooo! :D
